www.wilsonph.com

HOME SWEET HOME | ALL 'N ONE | wyd08 | salvatorians@wilson.com | SPCC | SALVATORIANS | EAST ASIAN VICARIATE NEWS | Catholic News Online | Hiking@wilson.ph.com | Finding My Vocation

EAST ASIAN VICARIATE NEWS

VOCATION CAMPAIGN
Para sa mga nagnanais malaman ang tungkol sa aming buhay pagtugon at paglilingkod sa Diyos ako po bilang Vocation Director dito sa Pilipinas ay sumasama sa mga panlalawigang vocation campaign. Kung kayo po ay may hangaring ako'y makausap ma-contact itext lang po ako o tawagan sa 09279721709. Ang aming bagong bukas na website: http://www.sds.ph/ Salamat po.

KAUNA-UNAHANG MEETING!
Northeast India-  Isang malaking hakbangin na loob ng maraming taon na inilalagi ng mga salvatorian fathers and brothers dito sa Asya, lalong lalo na sa India ay napagplanohan na magkaroon ng Asian Meeting of Formator na gaganapin sa buwang ito. Ang sinabing meeting ay tatagal ng mga ilang linggo. Layunin ng nasabing pagpupulong na pag-ibayuhin pa ng mga formators sa Asya ang kanilang tungkulin bilang mga tagagabay ng mga bagong aspirants na nagnanais maging salvatorian father o brother. Kaalinsabay na rin nito ang makilala at mapuntahan ng personal ang mga natatanging mga lugar kung saan tumapak ang mga kauna-unahang mga salvatorian sa Asya, lalong lalo na si Fr. Otto. Isang malaking pagtitipon ito sa kasaysayan ng mga salvatorians sa Asya. Mabuhay ang mga salvatorians!

DVP Module I
OAD,Talamban, Cebu - Isang malaking pagtitipon ng mga Directors of Vocation in the Philippines ang ginanap sa Retreat House ng mga Order of Augustinian Discalsed (OAD) sa Talamban, Cebu noong nakaraan Hulyo 27 hanggang 31. Taun-taon itong ibinibigay ng mga opisyal ng DVP sa pamumuno ni Fr. Jason Laguerta, ang nationa coordinator ng DVP sa ilalim pa rin ng CBCP. Ito ay upang matulungan ang mga vocation directors/promoters sa kanilang ministry. Isang mahalagang hakbang upang ang mga nasabing mga miyembro ay magkaroon ng kinakailangang kakayahan sa kanilang hangarin na magabayan ang mga kabataan sa kanilang bokasyon o tawag sa buhay pagpapari, pagmamadre, pagigin single blessed o pag-aasawa. Dinaluhan ito lalong-lalo na ng mga baguhan sa ministry ng vocation promotion. Congratulations po sa mga participants ng nasabing module. Kita kits po ulit sa Baguio, Bukidnon, at Tagaytay.

For more information call: (063) 046-483-07-34