Tunay ngang lahat tayo ay tinawag para sa isang gawaing nakalaan lamang sa atin. Hindi nga ito madaling
matanto ng isang tinatawag kung hindi muna daraan sa isang matinding pagninilay, pananalangin at pagpapalalim ng relasyon
sa Diyos na Siyang tumatawag. Kaya nga ang tawag o bokasyon ay hindi lamang limitado sa buhay pagpapari o pagiging relihiyoso
kundi sinasakop din nito ang buhay pag-aasawa at pagiging "single blessed" na tinatawag o yong mga laykong walang asawa. Ang
bawat tawag na umaayon sa mga uri ng pamumuhay na nabanggit ay umaayon din sa pagtugon na ninanais ng Diyos para sa tinawag.
Sa kabilang dako, kilala ang tawag sa pagpapari at pagiging relihiyoso na kakaibang tawag dahil na rin siguro sa natatanging
uri ng pagtugon dito at higit sa lahat ang dedikasyon na inaasahan ng Diyos upang mamuhay ng naaayon sa tawag na ito.
Halina't alamin ang iyong tawag. Sasamahan ko kayo sa iyong paglalakbay upang sa Kanya ay iyong malaman
at matanto ang iyong totoong tawag sa buhay na ito.
May mga piling mga "website" na maaaring makatulong sa inyo upang mapagnilayan ang iyong tawag. Halina at
manalangin, magnilay at magdesisyon para sa iyong buhay paglilingkod sa Diyos.
PAGLPALAIN NAWA KAYO NG DIYOS!
Fr. Wilson Q. Catabay, SDS
Vocation Director
The Society of the Divine Savior (SDS)